Monday, January 25, 2010

I support ELLAGANDA

Baka maraming nais magtanong jan bakit ko topic ngayon si ellaganda...


dahil ba “SIKAT” siya?
ahmmm YES!
Dahil ba BABAE siya?
Trulily!
Dahil ba kikay siya?
Of Course!

Pero bukod sa mga nabanggit, gusto ko ring suportahan ang laban niya.

Sino nga ba si ELLAGANDA?

Siya lang naman po ang sumulat nang tungkol sa DSWD - RELIEF GOODS for TYPHOON ONDOY'S VICTIMS na hindi naipamahagi ng tama. Sa mga di nakaka alam, i google niyo na lang po BLOG NI ELLA.

So ano naman ngayon kung siya ang sumulat?

Naging VIRAL lamang naman ang kanyang BLOG na kumalat sa iba't ibang social media, gaya ng facebook, multiply, twitter at pati sa telebisyon, radyo at pahayagan. TARAY...Oh diba sikat?

Nang dahil sa kasikatan ng blog na ito, nataranta ang mga nasasangkot sa anumalyang ibinahagi ni ellaganda. Ngayon siya ay nais sampahan ng kasong LIBELO.

Ang tanong ng mga bloggers na tulad ko MAKATARUNGAN bang sampahan ng LIBELO ang taong namahagi lamang ng kanyang saloobin o karanasan sa Internet?
Diba lahat tayo eh may karapatan para sa malayang pamamahayag?
Sa pagkakaalam ko rin eh wala pang matibay na batas para sa mga sumusulat, naglalahad gamit ang INTERNET (yun lang eh sa pagkakaalam ko, IMO eka nga :P).

Diba ang ginawa ni ellaganda ay tulad din ng ginagawa ng ibang mamamahayag na gamit ay ibang medium gaya ng telebisyon, radyo at pahayagan. Diba ang mga isinusulat din nila ay patungkol sa katiwalian ng gobyerno, bakit di sila sinasampahan ng kaso?

Sa aking pagoobserba... (sa akin lamang)

Hinahayaan na lang ng mga taong sangkot ang mga isyu laban sa kanila, inuuna na lang nila na ipaunawa sa tao na hindi yun totoo, so bakit sila mababother. Di ko maunawaan ang sector na sangkot sa isyu ni ellaganda, bakit kaya di sila makapag MOVE-ON? ewan ko nga ba.

ANG INAALALA KO NGAYON...

Baka dumating ang araw mawalan na tayong mga kabataan ng karapatang ilathala sa INTERNET ang nais nating ipahiwatig. Baka dumating ang araw na maski ang opinion natin sa isang produkto, bagay or serbisyo ay gamitin na din sa atin ng kompanyang sangkot at sampahan tayo ng kasong LIBELO, parang di ata maganda ang mga pwedeng mangyare, hahayaan pa ba natin ito? Wag nating hayaan na makatulad tayo ng ibang bansa na maraming BAWAL PASUKAN NA WEBSITE dahil ito raw ang pinagmumulan ng pag bubuo ng mga alyansang lalaban sa GOBYERNO. Hindi po tayo mga INTSIK na isang Komunistang bansa, PILIPINO po tayo, DEMOKRATIKONG BANSA po ITO sa pagkakaalam ko.


SUPPORTAHAN PO NATIN SI ELLAGANDA, ANG NANGYAYARI SA KANYA AY PWEDE RING MANGYARI SA ATIN. SIYA AY ISANG BLOGGER NA NAMAHAGI LANG NG KANYANG NASAKSIHAN AT OPINYON NA NGAYON AY NAHAHABLA SA KASONG PARANG DI ANGKOP SA KANYANG GINAWA.

2 comments:

gUrLaLiEn said...

share ko lang din yung post ko for ella: http://is.gd/732pK

I SUPPORT ELLA ALL THE WAY!!!!

Primp and Prettify said...

let us spread the words :D

 
Design by Free Wordpress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Templates